-- Advertisements --
Pinulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla ang Financial Stability Coordination Council bilang tumatayong chairman ng council Council.
Ayon kay Governor Medalla pinag-usapan sa pulong ang global market environment, lalo na ang presyuhan sa pagtaas-baba ng produktong petrolyo, isyu sa inflation, at pagtaas ng interest rates.
Sinabi ng BSP chief mahalaga na maghanda ang bansa sa epekto ng nangyayari sa ibayong dagat.
Tiniyak din naman ng BSP na nagpapakita ang Pilipians ng growth momentum at ang datos na mataas bilang na nagkaroon ng trabaho sa bansa.