Nakatakda na raw iuwi bukas ditos a Pilipinas ang bangkay ng Pinay na brutak na pinatay ng anak ng amo nito sa Kuwait.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, pumayag daw ang employer ni Jullebee Cabilis Ranara na sagutin ang magagastos sa repatriation ng Pinay.
Kung maalala, ang sunog na bangkay ni Ranara ay natagpuan sa disyerto sa Kuwait noong Linggo.
Base sa inisyal na impormasyon, nakaditine na ngayon ang suspe matapos mahuli.
Inamin din umano ng 17-anyos sa kanyang ginawang krimen at sinabing nagdadalang tao ang biktima.
Lumalabas na ginahasa at nabuntis ng 17-anyos na anak ng employer ang 35-year-old Pinay.
Nagpasalamat naman ang embahada dahil sa mabilis na aksiyon at pagresponde ng mga pulis sa nasabing bansa.
Sinabi ni De Vega na ipagpapatuloy ng embahada ang kanilang koordinasyon sa Kuwaiti Government para sa resolusyon ng kaso.
Nakapaghire na rin daw ang Department of Foreign Affairs ng bagong abogado para sa kaso ng Pinay.