-- Advertisements --

LA UNION – Kasalukuyan nang pinoproseso ang bangkay ng mangingisdang natagpuan sa baybayin ng Barangay San Agustin, San Fernando City, La Union.

Nakilala ang biktimang si Armando Tagara ng Anda, Pangasinan.

Ayon kay ENS PCG PIO French Alayon ng Coast Guard District North Western Luzon sa panayam ng Bombo Radyo La Union, una nang naipaulat na nawawala ang mangingisda noong Abril 2 hanggang sa marekobre ang bangkay nitong Lunes ng hapon.

Bago ito mangyari ay pumalaot ang biktima upang mangisda.

Nakikipag ugnayan na rin sa ngayon ang Philippine Coast Guard District North Western Luzon Command sa pamilya ng biktima upang kunin ang mga labi ng kanilang kapamilya.

Unang natagpuan ng isang sibilyan ang bangkay na palutang lutang sa baybayin ng Barangay San Agustin dito sa lungsod kung saan agad na nagresponde ang mga otoridad.