Bangkay
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa irigasyon ng Barangay Cabpangi, Libungan, North Cotabato.

Nakilala itong si John Lloyd Fare na taga Brgy. Gumaga sa bayan ng Libungan.

Ayon sa ulat ng Libungan PNP na mismong mga residente ang nakakita sa bangkay ni Fare sa irigasyon at agad pinaalam sa kanilang himpilan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Libungan PNP sa sanhi ng pagkasawi ng biktima.