DIPOLOG CITY – Kasalukuyan nang isinasailalim sa autopsy ang bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa Purok Bayanihan, Sta Filomena Dipolog City.

Ito ay upang matukoy ang totoong dahilan ng pagkamatay nito.

Ang biktima na kinilalang si Eddie Ganados, 38-anyos, residente ng Gutalac Zamboanga del Norte ay natagpuan na walang buhay sa damuhang bahagi ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Star FM Dipolog kay Police Cpl. Rahjik Necesario, Investigator ng Dipolog PNP, sinabi nitong nasa lima hanggang anim na araw na umanong patay ang biktima dahil nasa decomposition state na umano ito.

Huling nakita ang biktima noong linggo kung saan napag-alaman na humingi pa ng lason sa kanyang kasamahan sa trabaho dahil gusto umano nitong magpakamatay.

Sinabi ni Police Cpl. Necesario na possibleng nakakaranas ang depression ang biktima.

Sa ngayon ay hindi pa naman masabi ng pulisya kung mayroon nga bang foul play na nangyari.