-- Advertisements --
LAOAG CITY – Isang bangkay ng lalaki ang naatagpuang palutang-litang sa ilog sa bayan ng Pasuquin.
Kinilala ni PSSgt. Aldrich Simon, imbestigador ng PNP-Pasuquin ang biktima na si Roger Ramos, residente sa Brgy. Poblacion 4 sa nasabing bayan.
Inihayag nito na base sa imbestigasyon nila, nakainom ng alak ang naturang biktima.
Aniya, sa paliwanag nag pamilya ng biktima na pupumunta ito sa ilalim ng tulay kapag nasa impluwensiya ng alak at naniniwala sila na posibleng nalaglag ang biktima sa ilog.
Nabatid na base sa eksaminasyon ng RHU, madaling araw pa umano nalunod ang biktima dahil lumubo na ito at halos matatanggal na ang balat.
Maliban dito, napag-alaman pa ng may sugat sa ulo ang biktima ngunit wala namang nakitang foul play sa insidente.