BAGUIO CITY – Tuloy-tuloy ang imbestigasyon na isinasagawa ng mga kapulisan para sa pagkakakilanlan ng bangkay ng isang babae na natagpuan sa Bued River sa Camp 1, Kennon Road, Tuba, Benguet.
Ayon kay Police Major Dominador De Guzman, officer-in-charge nga Tuba Municipal Police Station, natagpuan ang nasabing bangkay sa pamamagitan ng mga construction workers na nagtatrabaho sa nasabing lugar.
Sinabi niya na nakasuot ang babae ng itim na t-shirt at itim na pantalon at na-aagnas na ang katawan nito.
Kinuwento pa ni De Guzman na may isang buwan na simula noong naitapon ang bangkay ng babae.
Inamin din niya na nahihirapan ang mga kapulisan na maglabas at magbigay ng impormasyon tungkol sa bangkay dahil na-aagnas na ito.
Samantala, humihingi siya tulong mula sa mga nawawalan ng kaanak na pumunta lamang sa kanilang istasyon para makilala na ang nasabing bangkay.