BAGUIO CITY – Nakilala na ang bangkay na itinapon sa Tuding Road, Outlook Drive, Baguio City kamakailan.

Gayunpaman, sinabi ng Baguio City Police Station 3 na hiniling ng pamilya na huwag nang ihayag pa ang pagkakakilanlan nito.

Ayon sa pulisya, kinuha na ng pamilya ang bangkay at naiuwi na ito sa kanilang tahanan sa Benguet at hndi na isinailim sa otopsiya ang bangkay.

Batay sa report, may dating kaso ang biktima na konektado sa iligal na droga.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa pagpatay sa biktima para matuklasan kung sino ang mga suspek.

-- Advertisement --

Maaalalang itinapon sa gilid ng kalsada ang bangkay at nagtamo ito ng maraming sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.