Ilang mga mangingisda sa lungsod ng Navotas ang nabigyan ng bagong bangka at financial assistance.
Layon ng inisyatibong ito na palakasin ang local fishing industry sa naturang lugar.
Ito ay pinangungunahan ni Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez.
Nakatanggap ang mga benipisyaryong mangingisda ng tig 5,000 pesos na nagmula sa DSWD-AICS program habang 50 na bangka naman ang ipinamahagi.
Layon rin nito na maiangat ang pamumuhay ng mga mangingisda sa nasabing lungsod.
Sa naging talumpati ng mambabatas, pinasalamatan nito ang LGU officials at Navotas Fishermen dahil sa kanilang sipag,tiyaga at dedikasyon.
Tiniyak ng mambabatas ang suporta sa mga mangingisda maging ng Tingog Party-list at ni House Speaker Martin Romualdez.
Dinaluhan ang naturang event ng mga lokal na opisyal ng Navotas.
Ito rin ay patunay na seryoso ang lokal na pamahalaan sa commitment ng kanilang lokal na pamahalaan na isulong ang paglago ng kabuhayan ng mga mangingisda sa kanilang lungsod.