-- Advertisements --
FIBA Canada
Australia/ FIBA image

Matapos ang anim na araw na tapatan ng 32 national team sa FIBA 2023, uusad na sa ikalawang round ang mga team na nagawang makapag-uwi ng panalo.

Sa mga nakahanay na grupo, isa sa mga pinakaabangan dito ay ang Group L.

Sa naturang grupo kasi ay nakahanay ang defending champion na Spain, kontra sa Team Canada(15) na pinangungunahan ng mga NBA players, Latvia(29), at ang World no.13 na Brazil.

Ayon sa mga basketball analysts, malaki ang tyansa ng Canada na manguna sa naturang grupo. Ang naturang team kasi ay pinapangunahan ni Shai Gilgeous-Alexander kasama ang iba pang NBA players na sina RJ Barrett, Kelly Olynyk and Nickeil Alexander-Walker.

Prediksyon ng mga basketball experts, tiyak na magtatagisan ang Canada at ang defending champion na Spain, na parehong punong-puno ng mga talentadong players.

Bagaman nakaligtas sa unang elimination, nakikita ng mga eksperto na magiging underdog ang Team Latvia sa naturang grupo.

Ito ay dahil na rin sa kakulangan ng karanasan ng mga players ng naturang team.

Bukas Set-1, ang nakatakdang laban ng apat na team.

Unang maghaharap ang Spain at Latvia, 4:45pm, na susundan ng Canada kontra Brazil, 8:30 ng gabi. Ang dalawang laban ay kapwa gaganapin sa Indonesia Arena.