KORONADAL CITY – Tuluyan nang sinampahan ng patong-patong na kaso ang suspek na pumatay sa kanyang mga kamag-anak sa Prk. Pag-asa, Barangay Rizal, Banga, South Cotabato.
Ayon kay Police Major Joseph Forro III, hepe ng Banga-Philippine National Police, sinampahan ang suspek na si Gido Blatang alyas Paul Bautista, ng mga kasong parricide matapos patayin sa pananaga ang kanyang asawa na si Monlene Bautista; liban pa sa tig-tatlong bilang ng kasong murder at frustrated murder.
Ngunit kahit nasa custodial facility na, ay patuloy itong tinututukan lalo na at mayroon itong tuberculosis maging ang kasamahan nito sa selda.
Dagdag pa ni Major Forro na regular silang nagbibigay ng mga vitamins, supplement at checkup sa mga preso upang ma-monitor rin ang kondisyon ng kanilang katawan.
Sa ngayon, naghihintay na lamang ng commitment order upang tuluyan na itong mailipat sa sa South Cotabato Provincial Detention and Rehabilitation Center.
Kung maalala, pito ang biktima at tatlo sa mga ito ang namatay sa krimen.