-- Advertisements --
image 574

Binigyang-diin ng Department of Agriculture ang kahalagahan ng bamboo industry sa Pilipinas, kasama na ang kontribusyon ito sa ekonomiya ng bansa.

Sa naging mensahe ni DA Usec Deogracias Victor Savellano, sinabi nito na ang bamboo industry ng ay isa sa mga nakikita ng kasalukuyang Administrasyon na makakapagpataas sa Agrikultura ng bansa.

Ayon kay Savellano, kasalukuyan nang inihahanda ng Marcos Administration, sa pangunguna ng DA, ang ‘bamboo economics’ na siyang magsisilbing batayan ng bansa para sa pagpapalago ng pagkakawayan sa buong bansa.

Aniya, kailangan munang mapaganda ang kalidad ng mga itinatanim na kawayan sa bansa, at mapataas ang supply.

Sa kasalukuyan kasi aniya, ang pangunaging problema sa ilalim nito ay ang supply ng raw materials, o mapagkukunan ng maraming supply, upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang produksyon, kasama na ang pagtugon sa pangangailangan ng merkado.

Sa ilalim ng Executive Order 879, ang DA ay nabigyang ng mandato na pagtibayin ang industriya ng kawayan sa Pilipinas, tukuyin ang mga bakanteng lupa, at marginalized areas na maaaring gawin bilang mga plantation ng kawayan, at bumuo ngmga nursery para sa progpagation nito.

Ang buwan ng Setyembre ay tinagurian bilang Bamboo Month.