Tinanggalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Bamban Mayor Alice Guo ng awtoridad sa pamamahala sa lokal n kapulisan sa kaniyang nasasakupang bayan.
Ayon sa DILG, nagsumite ito ng fact-finding report sa alegasyon ng pagkakadawit ng alkalde sa sinalakay na POGO hub sa Bamban..
Ipinaliwanag ni Interior USec. Lord Villanueva na hindi pa nila maaaring idetalye ang kanilang findings subalit sinabi nito na sa kabuuan nakahanap sila ng serious legal implications kung saan ang maaaring parusa ay suspensiyon o pagsibak sa pwesto.
Sinabi naman ni Interior Sec. Benhur Abalos na gagamitin ang findings ng kagawaran sa pahahain ng kaso sa ombudsman.
Matatandaan na un ang sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na maghahain ang kaniyang opisina ng quo warranto petition kung mayroong rounds o basehan para kwestyunin ang karapatang humawak ng posisyon sa gobyerno.
:Una na ngang itinaggi ng alkalde na ang pagkakasangkot nito sa illegal POGO activities sa kaniyang bayan.