Balloon 3
Balloon and music fest

Kinansela ng organizer ng Lubao International Balloon and Music Festival (IBMF) ang kanilang kaganapan ngayong taon dahil sa banta ng coronavirus (Covid-19).

Magaganap sana ang sikat na taunang festivities sa Abril 3-5 sa Pradera Verde sa Lubao, Pampanga.

Sa inilabas na pahayag ng organizer na minabuti nilang kanselahin ito para sa kaligtasan na rin ng mga dadalo.

Humingi sila ng paumanhin at tiniyak na magiging makulay ang nasabing kaganapan sa susunod na taon.