-- Advertisements --
Gumaling na matapos dapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 si Baliwag, Bulacan Mayor Ferdie Estrella at dalawang iba pa.
Ito mismo ang kinumpirma ni Bulacan Governor Daniel Fernandeo, na ang mga pasyente ay nagnegatibo ng dalawang beses sa nasabing sakit.
Noong Marso 16 ng ianunsiyo ni Mayor Estrella na nagpositibo ito sa coronavirus at gumaling ito mula sa respiratory illness.
Kinilala naman ang dalawa na isang 58-anyos na babae mula sa San Jose del Monte at 31-anyos na babae mula sa Bulacan.
Nakalabas na ang mga ito sa St. Luke’s Medical Center Global City, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Makati Medical Center.