-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pormal nang binuksan ang balay silangan sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao.

Ang balay silangan ay itinayo ng mag-amang Mayor Datu Ohto Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal.

Itoy bahagi ng programa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang balay silangan ay temporaryong tirahan ng mga indibidwal o drug surrenderee na nais magbagong buhay.

Dumalo sa aktibidad si PDEA-BAR Regional Director II, Rogelito A. Daculla. PNP Datu Montawal, DOH,LGU,BLGU at ibang ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ni Mayor Montawal na laging bukas ang kanyang tanggapan sa mga drug surrenderee na nais magbagong buhay ay kanilang tutulungan ngunit sa mga ayaw tumigil sa illegal drug trade ay siguradong may kalalagyan sila sa batas.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng LGU-Datu Montawal ang kampanya kontra ilegal na droga.