-- Advertisements --
BIR

Nagpatupad ng panibagong balasahan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga middle officials at regional officers nito.

Layon nito na mas mapatibay pa ang tax collection at administration programs ng nasabing ahensya sa kanilang mga field offices sa buong bansa.

Sa ulat, sinasabing nasa 11 middle level executives ng BIR ang mga napromote o di kaya’y nabigyan ng bagong mga trabaho, at karamihan pa sa mga ito ay mga opisyal na mayroong hinahawakang sensitibong puwesto sa information systems group (ISG) ng naturnag bureau.

Ayon sa BIR, ang ipinatupad na panibagong balasahan sa mga key officers nito ay merit-based at napapanahon lamang anila para sa tax filing season.

Samantala, bukod dito ay mayroon ding na-reassign na 45 district officers at division heads batay naman sa two travel assignments na nilagdaan naman ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., habang nagkaroon din ng paggalaw sa posisyon ng 8 officers mula sa assessment division.

Kung maaalala, una nang inihayag ng nasabing bureau na makakolekta ng hanggang Php2.599 trillion revenues para taong 2023.