Ipinapanawagan ng World Health Organization (WHO) ang pag-suspendi ng mga bakunang pang-booster para sa COVID-19 hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre.
Sinabi ni WHO chief Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang pag-suspendi ng booster shots ay makakatulong na mabakunahan ang karagdagang 10 percent population.
Dagdag pa ng WHO na sa pamamagitan nito, ang mga low-income countries ay makapag-administer ng 1.5 doses sa 100 katao dahil sa kakulangan ng suplay.
Aniya, kailangang magkaroon ng isang “reversal” at ang karamihan sa mga bakuna ay dapat mapunta sa mga bansa na mas mababa ang kita.
Ginawa ng kagawaran ang nasabing panawagan dahil tinangka ng ahensiya na paliitin ang agwat sa pagitan ng mga mayayamang bansa at mga bansa na may mababang kita.
Napag-alaman na maraming mga bansa na kinabibilangan ng Israel at Germany ang nag-anunsiyo na magsagawa ng third dose o booster shots.