-- Advertisements --
Kinalampag ng isang kongresista ang national government na ngayon pa lamang ay bumalangkas na ng National Vaccination Plan.
Ayon kay BHW party-list Rep. Angleica Natasha Co, dapat tiyakin sa planong ito na hindi mauulit ang kapalpakan na nangyari sa dengue vaccination program at iba pang vaccination efforts ng pamahalaan.
Mahalaga aniyang mapasama sa National Vaccination Plan ang bakuna para sa COVID-19, at ang pondo para rito ay dapat na nakapaloob rin sa 2021 proposed P4.3 trillion national budget.
Sa darating na Agosot, sisimulan na ng Kongreso ang paghimay sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.