Nakatakda nang simulan ng Office of the Vice President (OVP) ang pagbibigay tulong sa mga residenteng nawalan ng tirahan sa Bicol region matapos hagupitin ng magkakasunod na bagyo noong nakaraang buwan.
Join us as we build houses for those who lost their homes to the lahar flow in Guinobatan, Albay. Until now, they are…
Posted by Leni Gerona Robredo on Tuesday, December 1, 2020
Sa ilalim ng bagong inisyatibo na “BAHAYnihan,” tutulungan ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo at private partners, na makapagtayo ng sarili at pansamantalang tirahan ang mga sinalanta ng mga kalamidad.
“Magtatayo tayo ng mga bahay. Iyong first area natin, Ka Ely, iyong first area natin ito iyong mga bahay na natangay ng lahar—hindi pala natangay, natabunan ng lahar—at iyong dati nilang tinitirhan, hindi na sila puwedeng bumalik doon dahil ngayon lahat na iyon lahar at iyon malalaking bato,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.
Magsisimula ang BAHAYnihan initiative sa Guinobatan, Albay. Bukod sa local government unit, katuwang din daw ng OVP ang Bicol University, United Architects of the Philippines, at JCI Legazpi.
“Si JCI magpo-provide ng manpower, iyong Bicol University, Ka Ely, College of Engineering sila iyong magsu-supervise noong pagpapatayo. So pupunta ako roon, Ka Ely, sa December 11 dahil may sunod-sunod na house-build activities. Iyong materyales noon manggagaling doon sa Kaya Natin donations.”
“So, bibili tayo ng mga yero, bibili tayo ng plywood, bibili tayo ng semento. Mayroon din, Ka Ely, na mga nag-donate so dadagdagan na lang natin iyon.”
Hinimok ng pangalawang pangulo ang mga nasalantang LGUs na maghanap ng angkop na relocation sites para sa mga nawalan ng bahay.
Magugunitang ilang lugar sa bayan ng Guinobatan ang naging biktima ng laharflow sa gitna ng pananalasa ni Super Typhoon Rolly noong November 1.