LAOAG CITY – Agad na naapula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Loing sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte.

Ayon kay FO3 Jonathan Salvador ng Bureau of Fire Protection Piddig, isang saksakan ang nasunog sa bahay ni Renato Matute, dating barangay kagawad sa naturang barangay.

Aniya, kasamang nasunog ang isang karton ng damit na katabi ng saksakan.

Dagdag ni Salvador na hindi naman malala ang nangyaring sunog sa nasabing lugar.