-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Natupok ng apoy ang ikalawang palapag ng isang bahay sa barangay San Juan, Cabagan, Isabela.

Ang may-ari ng natupok na bahay ay si Ginoong Marcelo Zipagan ng nabanggit na lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO1 Alfredo Anog ng BFP Santo Tomas, sinabi niya na dahil sa naranasang pagbaha sa naturang barangay ay iniwan ang apat na bata sa ikalwang palapag ng bahay para sana maiwasan na lumabas ang mga ito gayunman sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinaglaruan umano ng mga bata ang isang lighter na naging sanhi para masunpg ang foam sa kwarto ng mga biktima.

Inabot naman ng isang oras bago tuluyang ideklarang fire out ang sunog.

Tinatayang aabot ng P75,000.00 ang halaga ng mga natupok na ari-arian ng mga bikitma.

Wala naman umanong naitalang nasugatan o nasaktan sa pangyayari.

Kaugnay pa dito na humaharap umano sa matinding pagsubok ang nasunugang pamilya sapagkat bukod sa naapektuhan ang mga ito ng pagbaha ay tinupok naman ng apoy ang kanilang mga kagamitan.

Muli namang nagpaalala ang Sto.Tomas Fire Station sa publiko na maging alerto sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan ang hindi kanais nais na pangyayari.