-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Ginulantang nang pagsabog ang isang tahanan nitong gabi ng Martes sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya na hinagisan ng Granada ang isang bahay sa Purok 8 Barangay Kidama Matalam Cotabato.
Dahil sa lakas ng pagsabog ay nabasag ang mga salamin ng bahay at nagdulot ng takot sa mga residente.
Hindi pa tiyak kung may nasugatan sa pagsabog.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam Municipal Police Station (MPS) sa panghahagis ng granada sa isang bahay.










