-- Advertisements --
Isasara ng ilang buwan ang bahagi ng highway sa Philadelphia matapos na ito ay gumuho ng masunog ang isang tanker truck.
Ayon kay Pennsylvania Governor Josh Shapiro na naghahanap na sila ng ibang mga alternatibong daanan sa mga maapektuhan ng biyahe dahil sa pagsara ng nasabing kalsada.
Nagsasagawa pa rin ang mga otoridad ng imbestigasyon sa nasabing insidente.
Magugunitang bigla na lamang nagliyab ang tanker truck na may kargang gasolina habang ito ay dumadaan sa ilalim ng high-way.
Dahil sa pangyayari ay gumuho ang bahagi ng kalsada bunsod na rin ng kemikal at init na dulot ng sunog.