Nasunog ang bahagi ng Glorietta 2 mall sa Barangay San Lorenzo sa Ayala, Makati City nitong gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas ang first alarm dakong alas-6:10 ng gabi.

Matatandaan na nasunog din ang isang bahagi ng mall noong 2017, na nagsimula sa isang kinukumpuning elevator.