-- Advertisements --

Lumakas pa ang bagyong Ursula habang papalapit sa kalupaan.

Ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Ezra Bulquerin, mula sa Tropical Storm ay naging Severe Tropical Storm na ito.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 315 km East ng Guiuan, eastern Samar.

Taglay ngayon ng severe tropical storm ang lakas ng hangin na 95 kph at pagbugsong 115 kph.

Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis 30 kph.

Sa ngayon, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa:

  • Albay

-Sorsogon

  • Masbate kasama ang Burias at Ticao Island
  • Northern Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Leyte
  • Biliran
  • extreme northern part ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
  • norht eastern part ng Iloilo at Capiz

Signal no. 1 naman sa:

  • Bulacan
  • Bataan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Cavite
  • Quezon
  • Laguna
  • Batangas
  • Camarines Sur
  • Camarines Norte
  • Catanduanes
  • Albay
  • Marinduque
  • Romblon
  • Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
  • Oriental Mindoro

Calamian at Cuyo

  • Burias Island at Cuyo Islands
  • Southern Leyte
  • nalalabing bahagi ng Northern Cebu (Carmen, Asturias, Tuburan, Catmon, Sogod, Borbon, Tabuelan, Tabogon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan, Bantayan, Santa Fe, Madridejos), Central Cebu (Aloguinsan, Carcar City, Pinamungahan, San Fernando, Naga City, Toledo City, Minglanilla, Balamban, Talisay City, Cebu City, Cordova, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Consolacion, Liloan, Compostela, Danao City)
  • northeastern Bohol (Inabanga, Danao, Dagohoy, Pilar, Guindulman, Anda, Candijay, Alicia, Buenavista, Jetafe, Talibon, Trinidad, Bien Unido, San Miguel, Ubay, Mabini, Pres. Carlos P. Garcia)
  • Aklan
  • Antique
  • Capiz
  • Iloilo
  • Guimaras
  • northern Negros Occidental (Bacolod City, Bago City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, La Carlota City, La Castellana, Manapla, Moises Padilla, Binalbagan, Hinigaran, Isabela, Murcia, Pontevedra, Pulupandan, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, San Enrique, Silay City, Talisay City, Toboso, Valladolid, Victorias City)
  • Northern Negros Oriental (Canlaon City, Guihulngan City, Jimalalud, La Libertad, Vallehermoso)
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands

Hanggang ngayong tanghali mararanasan ang mahina hanggang katamtaman na may panaka-nakang malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands.

Sa pagitan naman ng tanghali hanggang Miyerkules ng tanghali, paminsan-minsan hanggang madalas na malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands, Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, northern at central Cebu, northern Negros Provinces, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras at Romblon.

Mahina hanggang katamtaman na may panaka-nakang malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Bicol Region,

Nagbabala ang Pagasa sa mapaminsalang bugso ng hanging mararanasan sa mga lugar na nasa signal no. 2.

Ipinagbabawal na rin ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga lugar na na sa storm signals.