Naibalik na ang linya ng kuryente sa halos 74% ng mga komunidad na labis na naapektuhan ng hagupit na dala ng bagyong Ulysses, ayon sa National Electrification Administration (NEA).
Batay sa datos mula sa Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), may kuryente na 473 cities at municipaliteiws na nakaranas ng power outages dahil sa bagyo. Naiulat na rin ng 17 electric cooperatives ang full restoration ng kuryente sa iba’t ibang lugar.
Mountain Province Electric Cooperative, Inc. (MOPRECO)
La Union Electric Cooperative, Inc. (LUELCO)
Central Pangasinan Electric Cooperative, Inc. (CENPELCO)
Pangasinan III Electric Cooperative, Inc. (PANELCO III)
Cagayan II Electric Cooperative, Inc. (CAGELCO II)
Peninsula Electric Cooperative, Inc. (PENELCO)
Pampanga II Electric Cooperative, Inc. (PELCO II)
Pampanga III Electric Cooperative, Inc. (PELCO III)
Pampanga Rural Electric Service Cooperative, Inc. (PRESCO)
Zambales II Electric Cooperative, Inc. (ZAMECO II)
San Jose City Electric Cooperative (SAJELCO)
Nueva Ecija II Electric Cooperative, Inc. - Area 1 (NEECO II - Area 1)
Nueva Ecija II Electric Cooperative, Inc. - Area 2 (NEECO II - Area 2)
Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO)
Ticao Island Electric Cooperative, Inc. (TISELCO)
Sorsogon I Electric Cooperative, Inc. (SORECO I)
Sorsogon II Electric Cooperative (SORECO II)
Dagdag pa ng ahensya na nasa 16 electric cooperatives naman ang 90% hanggang 99% ang naibalik na ang kuryente mula sa kanilang mga franchise areas.
Kabilang na rito ang mga powert co-ops sa Benguet, Ifugao at Kalinga sa Cordillera Administrative Region (CAR); ilang parte ng Pangasinan sa Region 1; gayundin ang parte ng Cagayan, Isabela at Quirino sa Region II; Pampanga, Tarlac, Zambales at Nueva Ecija sa Region III; Quezon, Laguna at Batangas sa Calabarzon.