-- Advertisements --

Halos hindi gumagalaw ang bagyong Ramon habang tinatahak ang karagatan ng East of Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa 440 km silangan ng Casiguran, Aurora.

May dala itong lakas ng hangin ng hanggang 65 kilometers per hours at pagbugso ng 80 kph.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Warning Signal number 1 sa Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao at Peñablanca Cagayan, silangang bahagi ng Isabela partikular na ang mga lugar ng Maconacon, Dvilacan, Palanan at Dinapigue at Northern Aurora sa mga lugar ng Dilasag, Casiguran at Dinalungan.

Patuloy pa rin ang pagbabala ng PAGASA na mapanganib pa rin ang paglayag sa mga karagatan dahil sa posibilidad ng pagtaas ng tubig.