-- Advertisements --

Lalo pang lumayo sa Pilipinas ang sentro ng bagyong Perla kaninang hapon, ayon sa 24-hour public weather forecast ng Pagasa.

Hanggang kaninang alas-3:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa layong 890 kilometers east-northeast ofng Basco, Batanes.

Ang hangin na dala nito ay may lakas na 130km/h at pagbugso na aabot naman ng hanggang 160 km/h.

Kumikilos ang bagyong Perla sa northeast na direksyon sa bilis na 30 km/h.

Ayon sa Pagasa, asahan na ng mga residente ng Batanes, Ilocos Norte, Apayao, at Cagayan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan sa mga susunod na oras dahil sa windflow.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap naman ang kalangitan na may kasamang isolated rains ang mararanasan ng Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.