-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang papalapit na bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 1,430 km sa silangan ng Northern Luzon.

May taglay na itong lakas ng hanging 65 kph at may pagbugong 80 kph.

Kumikilos ito nang patimog kanluran sa bilis na 10 kph.

Inaasahang ngayong gabi o bukas ng madaling araw ito papasok sa teritoryo ng ating bansa.

Maliban dito, nakakaapekto naman sa Palawan at Mindanao ang umiiral na intertropical convergence zone (ITCZ).