-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa sa publiko kaugnay ng pagbilis at paglakas ng paparating na bagyo.

Ayon kay Pagasa weather specialist Meno Mendoza, nadoble ang bilis nito kumpara sa takbo kaninang umaga.

Huling namataan ang tropical depression sa layong 1,290 km sa silangan ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

Dahil sa ilang pagbabago, pinag-iingat na rin ng Pagasa ang mga nasa eastern portion ng Luzon at Visayas, dahil sa mga pag-ulan at malakas na hanging maaaring ihatid ng paparating na sama ng panahon.

Posibleng makapasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na weekend.