-- Advertisements --
image 327

Todo pasalamat naman ang ilang mga opisyal ng probinsiya ng Catanduanes na hindi naging supertyphoon ang bagyong si Paeng nang mag-landfall kaninang madaling araw.

Iniulat ngayon ni Catanduanes province Gov. Joseph Cua, nang tumama daw sa kanila ang sentro ng bagyo dakong ala-1:10 ng madaling araw ay tinatayang nasa less than 150 kilometers per hour ang pagbugso nito.

Inilarawan pa nito na hindi ito katulad noong tumama ang supertyphoon Rolly noong November 2020 na marami ang na-washout sa kanila.

Ayon pa sa gobernador, mula pa kagabi ay wala na silang suplay ng koryente bilang bahagi ng pag-iingat. Sa ngayon meron pa naman daw gumagana na kumunikasyon sa kanilang lugar.

Iniulat din nito na bago pa man ang landfall ng sentro ng bagyo kanina ay nagpatupad na sila preemptive evacuation sa ilang lugar.

Sa ngayon patuloy pa ang rapid assessment ng ilang mga lokal na opisyal upang malaman ang epekto ng pagtama sa kanila ng bagyong Paeng.