Napanatili ng bagyong Neneng ang lakas nito habang ito ay gumagalaw patungo ng northwest direction.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 1,015 kilometers ng silangan ng extreme Northern Luzon.
May taglay ito ng lakas na hangin ng 55 kilometers per hour at pagbugso ng 70 kph.
Posible ngayong hapon ng Biyernes ay magtaas na ang PAGASA ng typhoon signal nas maaring aabot hanggang signal number 1.
Maaring ito ay magland-fall o dumaan sa Babuyan Island o Batanes na gagalaw patungo sa karagatan.
Posibleng mabuo ng tropical storm category ito sa araw ng Sabado.
Patuloy din na binabantayan ng PAGASA ang aktibong tropical depression na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Base sa radar ng PAGASA nasa 405 kilometers north northwest ng PAGASA Island na mayroong lakas na hangin na 55 kph at pagbugso ng 70 kph.