Bahagyang humina na ang Bagyong Kiko matapos na makalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang hapon, ayon sa Pagasa.
Sa kailang 5 p.m. severe weather bulletin, sinabi ng Pagasa na ala-1:10 ng hapon nang makalabas ng PAR ang Bagyong Kiko.
Sinabi rin ng state weather burea na ang sentro o mata ng bagyo ay huling namataan sa 525 kilometers north ng Itbayat, Batanes.
Mayroon itong maximum sustained winds na 165 km per hour malapit sa mata ng bagyo, pagbugso na aabot ng hanggang 205 kph, at may central pressure na 945 hPa.
Kumikilos ito sa northward na direksyon sa bilis na 25 kph.
Samantala, sinabi ng Pagasa na patuloy na papalakasin ng Bagyong Kiko ang Southwest Monsoon o Habagat.
Kaya uulanin pa rin ang Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at western section ng Central Luzon sa susunod na 24 oras.