-- Advertisements --

Lalo pang lumalakas ang bagyong si Karding at inilagay na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa tropical storm.

Sa ngayon natukoy ng Pagasa ang lokasyon ng bagyo sa layong 1,320 km east ng Northern Luzon at taglay na ngayon ang lakas ng hangin malapit sa gitna na umaabot sa 65 km/h, habang umaabot naman ang pagbugso ng hangin sa 80 km/h.

Kumikilos ang bagyo ng north northwestward ng napakabagal.

KARDING TRACK

Nagbabala naman ang Pagasa sa dala ng malalakas na buhos ng ulan na makakaapekto sa northern at Central Luzon simula sa darating na Sabado o kaya sa Linggo ng umaga.

Ngayon pa lamang ay nag-abiso na ang Pagasa na malaki ang posibilidad na magtaas sila ng tropical cyclone wind signals sa mga lugar na nasa bahagi ng Northern Luzon at iba pang parte ng Central Luzon.

Maari rin daw na isailalim sa signal number 3 ang mga nabanggit na lugar.

Ang mga nasa eastern portions ng northern at Central Luzon ay posibleng ilagay sa tropical cyclone wind signal number 1 bukas ng gabi o sa umaga ng Sabado.

Kaugnay nito, tinataya naman ng Pagasa na ang tropical storm Karding ay maaring mag-landfall ang sentro nito sa bisinidad ng east coast ng Isabela o kaya ng Cagayan sa araw ng Linggo.

Matapos nito ay tatahakin ng bagyo ang bulubunduking bahagi ng Northern Luzon bago lumabas sa bahagi ng West Philippine Sea sa araw ng Lunes.

“Karding intensified into a tropical storm at 2:00PM today. This tropical cyclone is forecast to continue to intensify while moving over the Philippine Sea and may reach severe tropical storm category prior to its landfall. Considering these developments, the public and disaster risk reduction and management offices concerned are advised to take all necessary measures to protect life and property. Persons living in areas identified to be highly or very highly susceptible to these hazards are advised to follow evacuation and other instructions from local officials. For heavy rainfall warnings, thunderstorm/rainfall advisories, and other severe weather information specific to your area, please monitor products issued by your local PAGASA Regional Services Division. The next tropical cyclone bulletin will be issued at 11:00 PM today,” bahagi pa ng abiso ng DOST-Pagasa.