-- Advertisements --

Nagbabala ang US National Hurricane Center (NHC) na maaring maging hurricane muli ang bagyong Ian.

Ito ay matapos na dalawang beses na itong naglandfall.

Kasabay din nito ay binalaan ng US NHC kabuuang South Carolina.

Ang Tropical storm kasi ay nasa 25 miles ng north-east ng Cape Canaveral ang lugar kung saan inilusad ng NASA ang kanilang rockest sa Kennedy Space Center.

Sa kasalukuyan kasi ay napanatili nito ang lakas ng hangin na aabot sa 70 mph at inaasahan na magiging hurricane muli sa nitong Biyernes.

Inaasahan na magdadala ito ng malalakas na pag-ulan ganun din ang malawak na hanging dala nito na aabot sa 400 miles mula sa gitna.