-- Advertisements --
Nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Huaning na may international name na Lupit.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 535 km sa hilaga hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.
May taglay itong lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ito nang mabagal sa direksyong pasilangan hilagang silangan.
Hindi naman ito inaasahang makakaapekto ng direkta sa alinmang parte ng ating bansa.