-- Advertisements --

Agad na ring lumabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical depression Helen na nabuo kagabi sa karagatang sakop ng ating bansa.

Natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 395 km sa kanluran ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Samantala, nalusaw na ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Pagasa sa silangan ng Caraga region.