Lalo pang lumakas ang bagyong si Hanna habang kumikilos ito pa KANLURAN sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Bagamat malawak ang kaulapang dala ni Hanna ay wala itong magiging direktang epekto sa alinmang bahagi ng kalupaan ng bansa dahil sa kasalukuyang lokasyon nito.
Inaasahan namang unti-unti itong lalakas pagsapit ng Sabado ng gabi o madaling araw ng Linggo habang maliit ang tyansa na tumama ito sa kalupaan ng Pilipinas.
Posible naman na tuluyang lumabas ng Phillippine Area of Responsibility si Hanna sa Sabado ng hapon.
Samantala, Southwest Monsoon o Hanging Habagat parin ang nagdudulot ng mga malalakas na mga pag-ulan sa Central Luzon, Southern Luzon at Visayas.
Ito kasi ay hinahatak at pinalalakas ng bagyong Goring at bahagya ring pinalalakas ng bagyong si Hanna.
Batay sa kasalukuyang data ng Bombo Weather Center, huling namataan ang bagyong si Hanna sa layong 1,035 km East ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot na sa 110km/h malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot na sa 135km/h.
Kumikilos ang naturang sama ng panahon pa kanluran sa bilis na 15km/h
Dahil sa kalagayan ng ating panahon ay pinapayuhan natin ang lahat na maging maingat at maging handa sa lahat ng oras.
Lumayo sa mga lugar na bahain at prone sa landslides upang makaiwas sa mga di kanaisnais na insidente.
Siguruhin rin na magdala ng mga pananggalang sa ulan upang hindi mabasa at magkasakit.
Iwasan rin ang palagiang paglusong at paliligo sa tubig baha upang makaiwas naman sa sakit na Leptuspirusis.