-- Advertisements --

NAGA CITY – Pahirapan ang pagresponde ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG)-Camarines Sur dahil sa lakas ng alon dala ng Bagyong Bising.

Dahil dito, pansamantala munang itinigil ang pagresponde sa mga pinapalikas na residente na nasa “high risk area.”

Una rito, ilang bayan na sa Camarines sur ang nagsagawa ng forced evacuation dahil sa nararanasang storm surge sa nasabing lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Ailene Abanilla, station Commander ng PCG-CamSur, sinabi nito na pakikiramdaman pa nila ang kalagayan ng panahon kung kakayanin pa na magresponde at saka lamang ipagpapatuloy ang kanilang operasyon para sa mga ililikas na residente.

Ayon kay Abanilla, katulad na lamang ng pagtiyak sa kaligtasan ng mga residente ay binibigyang halaga rin nila ang kaligtasan ng mga rescuer.

Sa ngayon, naka full-alert pa rin ang PCG para sa magiging epekto ni Bagyong Bising.