-- Advertisements --

Hindi na umano tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Baguio City at nasa siyam na araw nang walang dumagdag sa mga may sakit.

Ang pinakahuling may kaso ng nasabing infectious disease ay naitala pa noong March 28, 2020.

Sa pinakabagong datos na inilabas ng Baguio City Health Service office nasa 14 pa rin ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa lungsod kung saan isa pa lang ang namamatay, walo ang naka-admit sa ospital at lima naman ang na-discharge.

Samantal, nasa 390 na ang bilang ng mga Persons Under Investigation na naka home quarantine habang 16 ang naka-confine sa ospital.

Pinaaalalahanan naman ni Mayor Benjamin Magalong na sumunod pa rin sa mga polisiyang ipinapatupad sa ilalim ng enhanced community quarantine at wag pa rin maging pabaya at maging kampante sa kabila ng hindi na dumadaming mga kaso sa lungsod