-- Advertisements --

Nangako si San Juan City Vice Mayor Angelo Agcaoili na ipagpapatuloy niya ang mga hindi natapos na mga proyekto ng pinalitan nitong yumaong si Vice Mayor Warren Villa.

Si Agcaoili ay pormal na nanumpa sa puwesto nitong Lunes o isang araw matapos na maihatid sa huling hantungan ang namayapang vice mayor.

Pagtitiyak nito na makakaasa ang kaniyang kababayan na gagawin niya ang trabahong iniatang sa kaniya.

Tutulungan aniya nito ang mga proyekto ng alkalde ng lungsod na si Mayor Francis Zamora.