-- Advertisements --

Patay ang anim na katao matapos muling magsagawa ng bagong air raid ang Estados Unidos sa Iraq kung saan partikular na target umano nito ang commander ng Hashd al-Shaabi paramilitary forces.

Nangyari ito isang araw matapos patayin ng America sa pamamagitan ng drone attack ang ikalawa sa pinaka-makapangyarihang opisyal sa Iran na si General Qassem Soleimani.

Batay sa inilabas na detalye ng state television ng naturang bansa, nangyari ang nasabing pag-atake sa Taji Road na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Baghdad.

Hindi naman nito pinangalanan kung sinong commander ang target ng nasabing pag-atake.

Mariin namang itinanggi ng Hashd al-Shaabi, o mas kilala rin bilang Popular Mobilisation Force (PMF), na mayroong senior commander na kasama sa convoy.

Tatlong katao naman ang nasa malubhang kalagayan dahil sa air raid.

Matatagpuan sa Taji Road ang base ng non-US coalition forces kasama na ang British at Italian troops.