-- Advertisements --

Buo ang suporta ni Sen. Risa Hontioveros para kay Justice Secretary Menardo Guevarra kasabay ng pangangasiwa nito sa task force na mag-iimbestiga sa nagaganap na korapsyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Naniniwala aniya ang senadora na handang-handa si Guevarra sa bagong tungkulin na iniatas dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Malaki raw kasi ang maitutulong nito sa ginagawang mga pagdinig ng Committee on Women, Children, Family Reltations at Gender Equality para matigil na ang mga nangyayaring anomalya sa iba’t ibang ahensya.

Dagdag pa ng mambabatas na dahil umano sa tmga tiwaling gawain ay humihina ang institusyon ng Pilipinas.

Wala din umanong palya si Guevarra at ang kaniyang opisina na makipagtulungan sa imbestigasyon ng mga tiwaling gawain na nangyayari sa loob ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay ng ‘pastillas’ scheme.

Nangako naman si Hontiveros na ipagapapatuloy nito ang imbestigasyon sa korapsyon na nagaganap sa arrival at departure gate ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kalimitan ay nagiging dahilan pa ng pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan.