-- Advertisements --

Nagsimula ngayong araw ang bagong terminal assignment sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Ayon kay NAIA 2 Terminal Manager Sean Sunga na ang lahat ng mga domestic filghts ng Air Asia at Royal Air Philippines ay ililipat sa Terminal 2 mula sa dating terminal 4.

Ang nasabing hakbang ay siyang pangatlo at huling bahagi ng Schedule at Terminal Assignment Rationalization o STAR program.

Layon nito ay para mabawasan ang siksikan sa mga paliparan ganun na mapabuti ang kanilang serbisyo.

Dati kasi ang NAIA terminal 2 ay nag-aacomodate ng international flights na mayroong mula 11,000 hanggang 12,000 na mga umaalis na pasahero kada araw.