-- Advertisements --

CEBU CITY – Pinayuhan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang mga buntis na ikonsidera ang panganganak nito sa mga provincial hospital o magpa-check up muna bago lumuwas sa Cebu City.

Ito’y matapos na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ang isang bagong silang na sanggol mula sa Toledo City at kabilang ito sa 10 newly-confirmed cases sa Cebu Province.

Dahil dito, nag-abiso ang gobernadora sa mga city at municipal health officers na i-refer muna sa mga provincial hospital ang mga manganganak upang hindi mahawaan ng deadly virus.

May kakayahan at mga gamit aniya ang naturang mga pagamutan upang alagaan ang mga magle-labor na ina hanggang sa ma-Caesarian section.

Sa ngayon, nasa 67 na ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa probinsya ng Cebu.