-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nananatili ngayon sa ospital ang ina na nagtapon ng kanyang bagong panganak na sanggol sa kanal sa Barangay Rizal, La Paz, Iloilo City .

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Jose Val Ladublan, hepe sang La Paz Police Station, sinabi nito na inamin mismo ng 24 anyos na ina na siya ang nagtapon ang kanyang anak sa kanal.

Anya nataranta ito ng makitang patay na ang kanyang isinilang na anak kung kaya’t binalot niya ito sa plastic at itinapon.

Sa ngayon anya, nasa state of shock pa ang ina na binabantayan ng kanyang live in partner.

Napag-alaman na nasa boarding house lang nanganak ang ina.