Sa pinalawig pa pagbibigay ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), umabot sa panibagong record-high na bilang ng mga mananakay ang naserbisyuhan nito.
Sa ulat ng Department of Transportation (DOTr), nitong Miyerkules June 8, umabot sa 370,713 commuters ang nabenepsyuhan ng libreng sakay.
Nahigitan nito ang naitalang highest ridership kamakailan na nasa 370,276.
Ayon sa DOTr, ang pagtaas ng bilang ng sumasakay sa MRT-3 ay resulta ng libreng ride assistance ng MRT-3 lalo na ngayong nagsitaasan ang pamasahe bunsod ng pagpapatupad ng bigtime oil price hike ng oil companies gayundin bunga ng karagdagang deployment ng mga train sets.
Bago ang pandemiya, umaabot lamang sa 250,000 hanggang 300,000 ang average daily ridership sa MRT-3.
Magtatagal pa ang libreng sakay ng MRT-3 hanggang sa June 30.
Home Life Style
Bagong record-high ridership na 370,713 sa MRT-3, naitala bunsod ng nagpapatuloy na libreng sakay – DOTr
-- Advertisements --