DAVAO CITY – Pormal ng isinagawa ang turn over of command ceremony sa bagong Regional Director ng Police Regional Office XI.

Pinangunahan mismo ni PNP OIC Police Lt. General Archie Gamboa ang nasabing seremonya bilang guest of honor.

Papalitan ni Police Brigadier General Filmore Escobal si PBGen Marcelo Morales na magiging Director na rin ng Police Security & Protection Group (PSPG) .

Ayon kay General Morales, hindi niya makakalimutan ang kanyang mga pinagdaanan sa PRO XI at dadalhin niya ito patungo sa kanyang bagong katungkulan.

Nagpasalamat din ito sa mga tao na naging parte ng kanyang pag-seserbisyo lalo na ang mga institusyong nakipagtulungan sa kanya upang mapanitiling mapayapa ang boung rehiyon.

Samantala, nagpasalamat din si General Escobal sa malaking tiwala na ibinigay sa kanya ng PNP at tiniyak nito na ipagpatuloy ang nasimulang mga magagandang programa ni General Morales at nanumpa rin ito na gagawin ang lahat upang magampanan ng maayos ang kanyang bagong tungkulin.

Hindi na bago sa rehiyon si Escobal dahil na-assign na rin ito sa rehiyon noong nakaraang mga taon.