-- Advertisements --
Hindi pabor ang Philippine Hospital Association (PHA) sa pangako ng PhilHealth na pagbabyaad ng claims sa pamamagitan ng Debit Credit Payment Mechanism (DCPM).
Ayon kay PHA president Dr. Jaime Almora, panibagong banggan ng mga ospital at doktor ang mangyayari sa ganitong estilo.
Sinabi ni Almora na nais sana nilang idaan sa proseso ng pagbabayad sa normal at mabilisang paraan dahil hindi lamang mga ospital kundi mga duktor din ang nagkaka problema sa komplekadong sistema.
Sa ilalim ng DCPM, uunahing bayaran ng PhilHealth ang 60% ng claims ng mga ospital at ibang healthcare facilities sa mga lugar na kinilala ng IATF bilang high risk o critical risk sa COVID-19.
Habang mas huli naman ang iba pa na hindi saklaw ng risk classification.